Nakatakdang magsagawa ng Mega Job Fair ang Public Employment Service Office (PESO) Albay sa November 28, 2026, sa Albay Astrodome bilang bahagi ng programang “Galing Albay, Pusong Albay Job Fair 2026” na may temang “Tara, Trabaho G!”
Katuwang ng PESO Albay sa pagsasagawa ng aktibidad ang Children International Bicol, Inc., Office of Senate President Sherwin Gatchalian, Department of Labor and Employment Region Five, Department of Migrant Workers, at Albay PESO Federation.
Inaanyayahan naman ang mga employer na nais lumahok sa job fair na makipag-ugnayan sa PESO Albay sa pamamagitan ng email na albaypeso@gmail.com.
Samantala, inaasahang maglalabas ang tanggapan ng karagdagang detalye sa mga susunod na araw para sa mga Albayano na naghahanap ng trabaho at nais makilahok sa aktibidad.
Layunin ng job fair na magbukas ng mga oportunidad sa trabaho para sa mga naghahanap ng hanapbuhay sa lalawigan. | ulat ni Paul Hapin | RP Albay