Imported rice price cap compliance sa Metro Manila, pumalo na sa mahigit 80% – DA
Pumalo na sa mahigit 80 porsiyento ang naitalang compliance rate ng Department of Agriculture (DA) sa pagpapatupad ng price cap na ₱50 per kilo sa mga imported na bigas na 5% broken rice.
Ayon kay DA Assistant Secretary Willie Ann Angsiy, indikasyon ito na epektibo ang monitoring ng pamahalaan lalo na sa mga patuloy na lumalabag sa itinakdang price cap sa imported na bigas.
Pagdating naman sa retailers na naisyuhan ng notice of violation ay sumampa na ang mga ito sa 36 kung saan 13 sa mga ito ang sumagot na sa DA kaugnay ng nakitang paglabag sa imported rice price cap.