Kagyat na binuo ng Philippine Embassy sa Thailand ang Crisis Management Team upang tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong Pilipino sa Thailand sanhi ng malawakang pagbaha.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service, sinabi ni Philippine Ambassador to Thailand, Her Excellency Millicent Cruz Paredes na bagamat walang kumpirmadong nasawi sanhi ng malawakang pagbaha nakatangap naman ang pasuguan ng 167 request ng assistance.
Dagdag pa ni Ambassador Cruz-Paredes na nakapag-bigay ang Philipine Crisis Management Team sa may 50 pilipino sa area mg BANGKAPI.
Batay sa datos ng Embahada, apat-na-put isang libong Pilipino ang nasa Thailand kung saan Siyam na libo dito ay nasa Bangkok kapitolyo ng nasabing bansa.