Nagpasalamat si House Prosecutor Terry Ridon sa Korte Suprema matapos nitong ibasura ang mga petisyong kumukuwestiyon sa voting threshold ng Senate Impeachment Court sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Ridon, nararapat lamang na ang Senate Impeachment Court ang magpasya sa usapin ng kinakailangang boto sa impeachment trial.
Iginiit niya na dapat nang hayaan ang Impeachment Court na tapusin ang buong proseso hanggang sa huling desisyon kung ikokonsiderang convicted o acquitted ang Bise Presidente.
Nauna rito, itinakda ng Senate Impeachment Court na ang two-thirds threshold ay ibabatay sa mga senador na legal at aktuwal na nakikilahok sa proceedings, sa halip na sa lahat ng 24 na miyembro ng Senado.
Ang nasabing ruling ang kinuwestiyon sa mga petisyong inihain sa Korte Suprema, kabilang ang mga inihain nina dating Executive Secretary Vic Rodriguez at Atty. Ernesto Francisco Jr.