Photo: NFA Pangasinan
Muling nakipag-ugnayan ang National Food Authority (NFA) Pangasinan Branch Office sa mga miyembro ng iba’t ibang Irrigators Association (IA) upang ilatag ang kanilang mga programa, partikular ang Palay Procurement at ₱20, Benteng Bigas, Meron Na Program.
Sa pamamagitan ng Palay Procurement Program, direktang bibili ang NFA ng mga de-kalidad na palay mula sa mga lehitimong magsasaka sa Lalawigan ng Pangasinan sa tamang presyo.
Kaakibat nito ang ₱20 Bigas Program na naglalayong maghatid ng abot-kayang bigas para sa mamamayan habang sinusuportahan ang lokal na sektor ng agrikultura.
Ang hakbang na ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng National Irrigation Administration (NIA).
Layunin ng pagtitipon na mapalakas ang partisipasyon ng mga magsasaka sa mga programa ng pamahalaan at matiyak ang matatag na suplay ng palay at bigas sa buong bansa. | ulat ni Leslie Gemino, Radyo Pilipinas Tayug