CICC, pinag-iingat ang publiko laban sa pekeng donation drive sa gitna ng relief efforts sa Mindanao
Pinag-iingat ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang publiko sa donation drive scams sa gitna ng relief efforts sa Mindanao.
Sa programang Boses, sinabi ni CICC Executive Director, Undersecretary Aboy Paraiso, na sinasamantala ng ilan ang pagsasagawa ng pekeng donation drive para mahikayat ang publiko na magbigay ng cash, sa halip na in-kind donations.
Payo ng CICC sa publiko, pairalin ang zero trust policy para maiwasang mabiktima ng scam o kahit ng pekeng balita.