Pakikilusin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang National Housing Authority (NHA) sa harap ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na matulungan ang mga biktima ng malakas na paglindol sa Mindanao.
Ayon sa Pangulo, kanyang hinihikayat ang lahat kabilang dito ang mga guro na makipag-ugnayan sa NHA para sa anomang maaaring maibigay nitong tulong sa mga naapektuhang residente ng pagyanig.
Partikular na dito ang asisteng maaaring maibigay sa mga taga-Mindanao na nasiraan o nawalan ng tahanan dahil sa nangyaring 7.8 magnitude na lindol.
Pagtiyak ng Pangulo na papasok ang NHA sa pagtulong ng pamahalaan upang mabigyan ng asiste ang mga kababayan nating nagtamo ng pinsala sa kanilang kabahayan.
Sa ngayon, ay marami pang mga kababayan natin sa Mindanao ang patuloy na nanunuluyan sa mga evacuation centers at namomroblema sa nasira nilang mga tinitirhan.