Sa San Juan City ang aktibidad ni Pangulong Marcos ngayong umaga.
Venue ng aktibidad ng Chief Executive ang Pinaglabanan Elementary School sa Pinaglabanan, San Juan kung saan ay makakasama nito sina Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara at San Juan Mayor Francis Zamora.
Pakay ng Pangulo sa gagawing pagtungo sa nasabing Mababang Paaralan ay para mamahagi ng educational materials sa mga mag-aaral nito.
Ang hakbang na mamahagi ng mga learning materials at iba pang kagamitang pang-eskwela ay inaasahang makatutulong sa pag-aaral ng mga kabataan ngayong nagsisimula na ang klase sa school year 2026- 2027.
Kahapon ay binisita naman ng Pangulo ang bagong Dau Building ng San Francisco National Highschool sa Bago, Bantay Quezon City at tiningnan ang konstruksiyon nito matapos na masunog noong Hunyo noong isang taon.