Patuloy pa ring nakapagtatala ang PHIVOLCS ng aftershocks sa Mindanao kasunod ng tumamang Magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani noong Lunes.
Sa tala ng PHIVOLCS, umabot na sa 3,832 aftershocks ang naitala mula nang tumama ang malakas na lindol.
Sa naturang bilang, 963 ang natukoy na ang lokasyon habang 64 naman ang naramdaman ng mga residente.
Naglalaro naman sa magnitude 1.2 hanggang 6.4 ang lakas ng mga naitalang aftershocks.
Una nang sinabi ng PHIVOLCS na posibleng tumagal ng ilang buwan ang pagyanig ng mga aftershock kasunod ng ganitong kalakas na lindol.