Nanawagan si House lead prosecutor at Batangas Representative Gerville “Jinky Bitrics” Luistro sa mga law enforcement agencies na tiyakin ang seguridad sa Senado.
Sa isang press conference sa Kamara, sinabi ni Luistro na hindi pa malinaw kung may kaugnayan sa impeachment proceedings ang naiulat na banta sa seguridad at ang pag-deface sa website ng Senado.
Gayunman, iginiit niya na kinakailangang agad itong tugunan ng mga awtoridad dahil nakatakda na ang unang pre-trial conference sa susunod na linggo.
Ayon sa kanya, mahalagang matiyak ang kaligtasan ng mga lalahok sa paghahain ng pre-trial brief sa Lunes at sa mismong pre-trial conference sa Huwebes, gayundin ng mga senador, depensa, at mga opisyal at empleyado ng Senado.