Photo courtesy of PNP Kasurog Bicol
Mas naging makahulugan ang paggunita sa ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas para sa 180 residente ng Poblacion, Bato sa Camarines Sur nang magsagawa ang kapulisan mula sa Police Regional Office 5 ng isang community outreach sa pamamagitan ng feeding program, ngayong araw, June 12, 2026.
Bukod sa pagkain, naghatid din ng saya at pag-asa ang programa sa mga benepisyaryo, lalo na sa mga pamilyang nakinabang sa isinagawang outreach activity.
Ayon sa PRO5, layunin ng programa na ipakita na ang tunay na diwa ng kalayaan ay hindi lamang pag-alala sa kasaysayan kundi ang pagkakaisa, pagtutulungan, at malasakit sa kapwa.
Bahagi ang aktibidad ng patuloy na Community Support Program ng Philippine National Police sa ilalim ng PNP Focused Agenda na naglalayong palakasin ang ugnayan sa pagitan ng kapulisan at komunidad.