Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Kasama sina First Lady Liza Marcos, at Presidential Sons Representative Sandro Marcos, Simon, at Vinny Marcos, ay pinangunahan ng First Family ang pagtataas sa watawat ng Pilipinas na sinundan ng Pangulo ng pag- aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal.
Sa naging talumapti naman ng Pangulo ay sinabi nitong ang ating kasaysayan ay nagturo sa atin na sa pagkakaisa lamang makakamit ang kasarinlan o kalayaan.
Kalakip din sa mensahe ng Pangulo ay ang panawagan nito sa mga Pilipino na huwag mapagod na mahalin, piliin, at ipaglaban ang Pilipinas.
Dapat, aniyang, palalimin pa ang ating kamalayan, maging mapanuri sa katotohanan at gamitin sa tama ang kakayahan….hindi sa masama.
Huwag din, aniyang, pagsamantalahan ang pinagpaguran ng iba at bagkus ay lumaban nang patas sa araw-araw.
Dagdag pa sa binigyang-diin ng Pangulo ay ang pagpili sa ikabubuti ng bayan laban sa interes ng iilan lamang.