Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, handa na rin ang Independence Day Job Fair 2026 ng Quezon City Public Employment Service Office (QC-PESO).
Ayon sa QC LGU, gaganapin ang Kalayaan Job Fair sa Trade Hall ng Robinsons Novaliches, Quezon City, na magsisimula mamayang alas-8 ng umaga.
Inaasahang lalahok dito ang iba’t ibang kumpanya mula sa sari-saring industriya para maghatid ng mga oportunidad sa trabaho para sa mga fresh graduate, mga may karanasan na sa trabaho, at mga naghahanap ng panibagong career opportunity.
Pinapayuhan ang mga interesadong aplikante na mag-pre-register online para sa mas mabilis at maayos na proseso sa araw ng job fair.
Kailangan lamang ihanda ang updated resume o biodata, valid ID, at iba pang kinakailangang dokumento.