Mahigit sa ₱9-na milyon ang nalikom mula sa 139 House members na nag-donate para sa ‘relief drive’ ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.
Ayon kay House prosecutor at Akbayan Partylist Representative Chel Diokno, agad na nagsama-sama ang mga kongresista para sa inisyatiba matapos tumama ang lindol sa Region 12.
Dagdag ni Diokno, maraming mga mambabatas ang nagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng kanilang mga distrito at lokal na pamahalaan.
Ayon naman kay Lead Prosecutor Gerville Luistro, bagaman abala sila sa impeachment, hindi nila nakakalimutan ang mga kababayan na apektado ng lindol.
Taliwas ito sa alegasyon na nakatutok lamang ang Kamara sa impeachment process.