Makikipag-ugnayan si Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. sa mga pastor, lider ng simbahan, at local officials para sa mga lugar na tinamaan ng lindol sa Mindanao.
Ayon kay Abante, na nagsisilbi rin bilang senior pastor ng Metropolitan Bible Baptist Ekklesia MBBE, ang mga simbahan ay kadalasang nagsisilbing sentro ng kanlungan, tulong, at suporta sa komunidad sa panahon ng sakuna, kaya’t mahalaga ang agarang pagtugon para sa kanilang rehabilitasyon bilang bahagi ng mas malawak na programa ng pagtulong.
Aniya, naglaan na ang MBBE ng ₱2 milyon para sa tulong sa mga simbahan at lokal na pamahalaan na naapektuhan ng lindol.
Nanawagan rin ang beteranong mambabatas sa buong bansa na ipanalangin ang mga apektadong komunidad, mga first responder, medical personnel, volunteers, at lokal na opisyal na kabahagi sa relief at recovery efforts.#