All set na ang Monumento Circle sa Caloocan City para sa gaganaping programa ngayong umaga para sa ika-128 taong anibersaryo ng proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas.
Pangungunahan ni Caloocan City Mayor Along Malapitan kung saan panauhing pandangal si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian at Dr. Cecilia Tangian mula sa National Historical Commission of the Philippines.
Batay sa inilabas na iskedyul ng Caloocan LGU, magsisimula alas-7 ng umaga ang seremonya sa Bantayog ni Gat Andres Bonifacio kung saan kasama ang pag-awit ng Lupang Hinirang, magkakaroon ng wreath laying ceremony o pag-aalay ng bulaklak, at pagbasa ng proklamasyon bilang 28.
Sa mga oras na ito, mahigpit na ang seguridad sa paligid ng Monumento Circle.
Nagsisimula na ring magtipon ang mga empleyado ng City Hall para dumalo sa aktibdiad.
Kaugnay nito, sarado na ang ilang kalsadang patungo sa Monumento Circle para magbigay daan sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.