Binigyang-diin ni Lead Prosecutor at Batangas Representative Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ay hindi nakasentro sa kung sino ang magpepreside sa paglilitis kundi sa usapin ng pananagutan.
Ito ang tugon ni Luistro sa tanong kung si Senador Francis “Chiz” Escudero ang tatayong presiding officer ng impeachment court.
Ayon kay Luistro, ang isyu ay hindi umiikot sa personalidad bagkus ay sa pagpapanagot sa isang mataas na opisyal ng pamahalaan.
Dagdag pa ng lead prosecutor, ang proseso ay tugon sa itinatadhana ng Saligang Batas.
Nagpahayag din ng kumpiyansa si Luistro sa mekanismo ng constitutional accountability, sino man ang maupong presiding officer—maging si Acting Senate President Sherwin Gatchalian, si Escudero, o dating Senate President Alan Peter Cayetano.