Sinimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-dispose ng mahigit 2.4 milyong opisyal na balotang naimprenta para sa na-postpone na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections noong 2025.
Sa isinagawang proseso sa COMELEC Warehouse sa Biñan, Laguna, sinimulan ang pagsira sa mahigit 2.4 milyong opisyal na balota.
Ayon sa COMELEC, kinakailangan itong sirain upang matiyak na hindi na ito magagamit sa anumang paraan at upang mapanatili ang integridad, seguridad, at kredibilidad ng halalan.
Bahagi ito ng mahigpit na pagpapatupad ng mga umiiral na alituntunin at pamamaraan ng Komisyon kaugnay ng pangangasiwa sa mga election materials. Samantala, nakahanda na rin ang bagong disenyo ng balota para sa nakatakdang BARMM Parliamentary Elections sa Setyembre 14 ngayong taon. Kabilang dito ang mga bagong political party at mga kandidatong naghain ng kanilang Certificates of Candidacy (COCs) mula Mayo 5 hanggang 7.
📸 COMELEC