Nagpadala ang Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office ng 25-miyembrong Humanitarian Assistance and Disaster Relief Team sa Sarangani Province upang tumulong sa mga komunidad na naapektuhan ng malakas na lindol.
Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, bitbit ng grupo ang iba’t ibang kagamitan para sa disaster response.
Kabilang dito ang Water Filtration Truck, Mobile Shower Unit, mga ambulansya, mga generator set, rescue vehicle, at Starlink satellite communication system.
Layunin ng deployment na matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng mahahalagang serbisyo sa mga apektadong komunidad, kabilang ang mga nasa liblib na lugar. Nagpahayag naman ng suporta ang lokal na pamahalaan para sa mga responder na ipinadala sa nasabing lugar.
📸 Valenzuela City LGU