Isinusulong ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapalawak ng Minimum Access Volume (MAV) para sa mais sa 500,000 metric tons bilang paghahanda sa posibleng kakulangan ng suplay sa mga susunod na buwan.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., layunin nitong mapanatiling sapat ang suplay ng animal feed at maiwasan ang pagtaas ng gastos sa poultry at livestock sectors.
Kung maaaprubahan, mahigit doble ang itataas ng kasalukuyang MAV na 216,940 metric tons upang payagan ang mas maraming pag-angkat ng mais na may mababang taripa.
Sinabi ni Laurel na mahalagang sangkap ang yellow corn sa animal feed, kaya anumang kakulangan sa suplay ay maaaring magpataas ng presyo ng manok, itlog, at karne ng baboy. Iginiit naman ng DA na pansamantala lamang ang panukala at ipatutupad ito kung kinakailangan, habang pinoprotektahan ang interes ng mga lokal na magsasaka