Patuloy na pinaigting ng 1002nd Infantry (Bagwis) Brigade ng Philippine Army ang Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) operations sa mga lalawigan ng Sarangani at Davao Occidental matapos ang malakas na lindol.
Ayon sa militar, nakikipagtulungan sila sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan upang agad na matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.
Sa tulong ng Philippine Air Force at Philippine Coast Guard, naipadala ang mga food packs, malinis na tubig, at medical supplies sa mga liblib na lugar gaya ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental at Glan sa Sarangani.
Kasabay nito, nagpapatuloy din ang Search, Rescue, and Retrieval operations para hanapin ang mga nawawalang indibidwal sa mga landslide prone areas.
Nananatili sa heightened alert ang 1002nd Infantry Brigade upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng tulong sa mga apektadong komunidad.