Inilunsad ngayong taon ng Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) ang Typhoon and Flood Awareness Week 2026.
Ayon sa weather bureau, layunin nitong palakasin ang kahandaan ng publiko sa banta ng bagyo at baha.
Patuloy na pinaiigting ng ahensya ang information campaign upang mabigyan ang publiko ng tamang kaalaman sa pag-unawa ng weather forecasts, rainfall warnings, at flood advisories, lalo na sa gitna ng tumitinding epekto ng climate change at mga extreme weather events.
Sa temang “Bagyo, Baha, Maghanda Tayo!”, hinihikayat ang lahat ng sektor na maging mas maagap sa paghahanda at makinig sa mga opisyal na babala mula sa ahensya at sa lokal na pamahalaan.
Pinaalalahanan din ang publiko na maghanda ng emergency kit, alamin ang mga evacuation route, at agad na lumikas kapag kinakailangan.
Ayon pa sa PAGASA, ang maagang paghahanda at tamang impormasyon ang susi upang mabawasan ang pinsala ng sakuna.
Hinihikayat ang publiko na manatiling alerto at laging handa sa anumang banta ng panahon.