Pinarangalan ng Philippine Red Cross (PRC) ang mga tinaguriang “blood galloners” at iba pang partner organizations sa isang awarding ceremony sa Marikina City bilang bahagi ng World Blood Donor Day celebration.
Kinilala ang mga regular voluntary blood donors na umabot na sa isang gallon ng dugo dahil sa kanilang patuloy na ambag sa pagliligtas ng buhay.
Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon, umabot na sa 262,344 blood units ang nakolekta ng organisasyon mula sa simula ng taon, na nakatulong sa mahigit 107,000 pasyente sa buong bansa.
Isa sa mga pinarangalan ang blood donor na si Ryan Rentillo, na nagsabing ang pagdo-donate ng dugo ay isang simpleng paraan upang makapagligtas ng buhay kahit hindi nakikita ang mga makikinabang.
Nagpasalamat naman ang PRC sa mga partner organizations na tumulong sa blood donation drives at sa patuloy na pagsuporta sa kanilang blood services program. Giit ng PRC, ang isang donasyon ng dugo ay maaaring makapagligtas ng hanggang tatlong buhay.