Sumang-ayon na ang bansang Iran sa ilalim ng draft memorandum of understanding (MOU) kasama ang Estados Unidos na hindi ito gagawa o bibili ng nuclear weapons bilang bahagi ng layunin na pairalin ang kapayapaan sa Gitnang Silangan.
Batay sa ulat ng Reuters, nangyari ang development na ito matapos lumipad patungong Tehran ang mga mediator mula sa Qatar na tutulong sa pagsasapinal ng isang peace deal.
Inaasahang pag-uusapan ang mekanismo para sa naturang aspekto sa susunod na animnapung araw.
Matatandaan na inihayag ni US President Donald Trump na mapipirmahan na ang isang kasunduang pangkapayapaan kasama ang Iran nitong Linggo, ngunit mariin itong pinabulaanan ng Iranian Revolutionary Guard Corps (IRGC).
Isa ang nuclear disarmament ng Iran sa isinusulong ng US na kailangan gawin ng Tehran upang tuluyang makabuo ng isang MOU patungo sa isang ceasefire agreement.