Hindi sumipot si Ateneo de Manila University basketball coach Tab Baldwin sa pag-subpoena ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Sa ambush interview sa Camp Crame, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na limang indibiwal ang ipinatawag nila ngayong araw, ngunit tanging ang head lang ng Athletics Department na si Mr. Em Fernandez at ang legal counsel ng Ateneo ang humarap sa CIDG.
Ayon kay Remulla, layon nito na mabigay linaw sa insidente sa team building sa Aurora na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang student athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Binigyang-diin ni Remulla na bahagi lamang ito ng kanilang fact-finding investigation.
Samantala, sinabi rin ng kalihim na maglalabas sila ng panibagong subpoena sa Biyernes upang pagpaliwanagin ang iba pang mga sangkot. Sinabi ni Remulla na maaaring ma-contempt sakaling hindi sumipiot sa ikalawang pagkakataon ang mga ipinatawag na indibiwal.