Ipina-subpeona din ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang mga dating basketball player ng Ateneo Blue Eagles.
Ito ay kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon ng CIDG sa nangyaring pagkamatay ng dalawang basketball players ng Ateneo na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni CIDG Director PMGEN Robert Morico II na sila ay itinuturing na resource person sa imbestigasyon.
Nabatid na may mga lumalabas na interview sa social media ng ilang dating basketball players ng Ateneo ang nagsabing “deadly” ang training sa Aurora.
Ayon kay Morico, bukas inaasahang haharap sa CIDG ang tatlong student-athletes.
Samanala, ipatatawag din ng CIDG ang kinatawan ng Smart Communication Foundation at pamunuan ng Unibersidad dahil napagalaman kasi nilang “Autonomous” ang Basketball Program ng Ateneo na pinopondohan ng Smart.
Inaasahan namang haharap sa CIDG sa Camp Crame sa Miyerkules ang iba pang basketball players ng Ateneo na nakasama nina Baterbornia at Adili sa Aurora. | via Diane Lear