Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagpapatuloy ang fact-finding investigation ng PNP-CIDG kaugnay ng pagkamatay ng dalawang student-athlete ng Ateneo de Manila University.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, limang opisyal ang ipinatawag, ngunit dalawa lamang ang humarap.
Dahil dito, naglabas ang CIDG ng subpoena laban sa mga hindi dumalo, kabilang ang ilang miyembro ng coaching staff.
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na nananatiling fact-finding ang imbestigasyon at layunin nitong matukoy ang buong pangyayari. Wala pang pormal na kasong isinampa o pag-aresto sa ngayon. Inanunsyo rin ng DILG na maglalabas ng ikalawang batch ng mga subpoena sa Biyernes para sa iba pang personalidad na kinakailangang pakinggan.