Pumalo na sa 176,186 na pamilya na binubuo ng 736,386 na indibidwal ang bilang ng mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao.
Sa pulong ng Office of Civil Defense, sinabi ni DSWD Disaster Response Management Bureau Director Maria Isabel Lanada na ang bilang na ito ay mula sa kabuuang 512 apektadong barangay.
Samantala, 4,019 na pamilya o 18,423 na indibidwal ang kasalukuyang nananatili sa 44 evacuation centers na binuksan sa Regions 11 at 12.
Mayroon ding 13,132 na pamilya o 51,978 na indibidwal na pansamantalang nananatili sa labas ng mga evacuation center.
Sa pinakahuling tala, umabot na sa 58,576 na kabahayan ang napinsala dahil sa lindol. Sa bilang na ito, 11,302 ang totally damaged, habang 47,274 naman ang partially damaged.