Umabot na sa mahigit P124.9 milyon ang naipamahaging humanitarian assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Southern Mindanao.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, mahigit 153,000 family food packs na ang naipamahagi sa mga apektadong komunidad sa rehiyon.
Sa kasalukuyan, pinabibilis ng ahensya ang pagtukoy sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Emergency Cash Transfer (ECT), na target na maipamahagi sa mga susunod na araw. Katuwang naman ng DSWD ang Department of Health (DOH) sa pagbibigay ng mental health at psychosocial support, kabilang ang counseling at iba pang intervention para sa mga bata at pamilyang naapektuhan ng kalamidad.