Nasa 97.87 percent o halos 98 percent nang naibalik ang kuryente sa Mindanao as of June 13, ayon sa Department of Energy.
Sa isang press conference sinabi ni Secretary Sharon Garin katumbas ito ng 1,044,739 na konsumer na nawalan ng kuryente dahil sa lindol noong isang linggo.
Kasama naman ang dalawampu’t apat na ospital sa Mindanao sa naibalik na ang kuryente.
Giit naman ni Garin magtutuloy-tuloy lang ang kanilang pagkilos hanggang isang daang porsyento na ng konsumers na apektado ng lindol ang naibabalik ang kuryente.
Nagpasalamat naman si Garin sa tulong ng electric cooperatives at ng task force kapatid para agarang maibalik ang kuryente sa Mindanao. | ulat ni Louisa Erispe