Tinutugis na ngayon National Bureau of Investigation ang nasa likod ng panghahack ng bwebsite ng Senado at Kamara noong nakaraang linggo.
Sa isang press conference sinabi ni NBI Director Melvin Matibag kilala na nila ang nga indibidwal na nasa likod nito at kabilang lang sila sa iisang grupo na nangha-hack ng website ng gobyerno.
Tiniyak naman ng NBI na papanagutin nila sa ang mga nasa likod nito at sasampahan ng pating patong na kaso.
Samantala siniguro naman ng Cybercrime Investigation and Coordinating Council na walang datos o sensitibong impormasyon na nakuha ang hackers mula sa mga website. | ulat ni Louisa Erispe