Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng tulong ng pamahalaan sa nga tsuper na nabibigatan sa presyo ng langis sa bansa katunayan umabot na sa 62, 342 na drayber ang nakapag-avail ng fuel subsidy ng pamahalaan.
Ito ay ang sampung piso kada litro ng diesel na subsidiya sa mga tsuper. Ang kabuuang halaga namang naibigay ng pamahalaan umabot na sa 103.7 million pesos.
Kahit naman unti-unti nang nagkakaroon ng rollback sa presyo ng diesel ayon sa Department of Energy tuloy-tuloy pa rin ang programa katunayan nadagdagan pa sa 2,000 ang mga gasoline station na nakiisa rito.
Plano naman ng DOE na palawigin pa ang programa hanggang sa mga driver ng delivery trucks at iba pa. | ulat ni Louisa Erispe