Mula Oktubre 28 hanggang 30, umabot na sa 20,873 ang bumisita sa Bagbag Cemetery.
Ngayong Oktubre 31, mula alas 6 hanggang alas 8 ng umaga, may karagdagang 1,609 na tao ang pumasok sa sementeryo.
Ayon kay SG OIC Luisito Masagca, inaasahan ang mas malaking dagsa ng mga dadalaw ngayong araw at magpapatuloy ito hanggang bukas.
Tinatayang aabot sa 200,000 ang bibisita sa sementeryo bukas.
Simula bukas hanggang Nobyembre 2, magbubukas ang sementeryo mula alas 5 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi.
Pagkatapos nito, ibabalik sa normal ang oras ng dalaw mula alas 6 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi.
Paalala naman ni Masagca sa mga dadalaw na huwag magdala ng mga ipinagbabawal na gamit gaya ng mga bagay na nakalilikha ng ingay,flamable things, patalim at baril.
Sa ngayon, maayos pa ang sitwasyon sa loob ng Bagbag Cemetery at wala pang naitalang untoward incident.