Nagbabala ang National Capital Region Police Office o NCRPO laban sa mga indibidwal na magpapakalat ng bomb threat sa paggunita ng Undas.
Ginawa ni NCRPO Officer-in-Charge Police Brig. Gen. Christopher Abrahano ang babala kasunod ng naitalang serye ng mga bomb threat sa iba’t ibang unibersidad sa Lungsod ng Maynila kamakailan.
Giit nito, mayroon siyang mahigpit na utos sa mga awtoridad na nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ukol sa mga naitatalang banta.
Tiniyak din ng opisyal na hindi titigil ang kapulisan hangga’t hindi natutukoy at napapanagot sa batas ang mga taong nasa likod ng mga naturang pananakot.
Aniya mabigat na parusa ang naghihintay sa sinomang hindi seseryosohin ang babala ng Pambansang Pulisya hinggil sa “bomb threat”.