Tinawag ni House Trial Spokesperson Zia Alonto Adiong na PR stunt lamang upang idivert ang focus sa impeachment trial ang nakatakdang Senate Blue Ribbon Committee.
Ayon kay Adiong, ang hakbang umano ng ilang senador na kaalyado ni dating Speaker Alan Peter Cayetano ay tila hindi nakatutok sa prioridad ng Senado bilang impeachment court.
Sagdag ng Mindanao solon, dapat manatiling pangunahing tungkulin ng Senado ang pagdinig sa impeachment cases bilag mandato ng konstitusyon. Ito ang tugon ni Adiong sa nakalathalang schedule ng Senate blue ribbon committee na pinamumunuan ni Sen Rodante Marcoleta na magsagawa ng pagdinig sa labas ng Senado.