Nagpaalala ang Department of Energy (DOE) na hindi maaaring kulang o sobra, kundi dapat ay pasok sa itinakda nilang price range ang paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw.
Ayon kay Director Rino Abad ng Oil Industry Management Bureau, mahigpit ang pagpapatupad ng price range lalo na’t nasa energy emergency pa rin ang bansa, at patuloy silang nagmo-monitor kung may lalabag dito.
Ipinaliwanag naman ni Abad na kaya price range ang ibinibigay ng DOE sa presyo ng langis, sa halip na eksaktong halaga, ay upang magkaroon pa rin ng kalayaan ang mga oil company na magpatupad ng price adjustment na naaayon sa kanilang sitwasyon.
Ngayong araw, nagpatupad ng malakihang rollback sa presyo ng diesel ang mga kumpanya ng langis na nasa ₱3.71 hanggang ₱5.71 kada litro. Maging ang kerosene ay bumaba rin ng ₱0.50 hanggang ₱2.50 kada litro.
Ang gasolina naman ay may mga kumpanyang nagbaba ng ₱0.32, habang ang iba ay nagtaas ng hanggang ₱1.68 kada litro. Dati nang sinabi ng DOE na kung may hindi susunod sa itinakdang price range, maaari nila itong kasuhan o pagbayarin ng kaukulang multa