Photo courtesy: CFO
Katuwang ng Commission on Filipinos Overseas ang Radyo Pilipinas World Service sa pagdaraos ng 2026 Filipino Diaspora Summit na lalahukan ng mga Diaspora Leaders mula sa tatlumpung bansa.
Ang nasabing summit ay gaganapin ngayong June 16 sa Manila Marriot Hotel sa Pasay City.
Magtitipon ang may tatlong daan at limampung Non-Resident Filipinos sa nasabing okasyon mula sa bansang Estados Unidos, Australia, Canada, Saudi Arabia, Singapore, Japan, United Arab Emirates, United Kingdom, Hongkong, South Korea, Cambodia, Baharain, France, Italy, Norway, Qatar, Timor Leste at iba pa.
Sa ilalim ng temang “Transformation Through Diaspora Engagement: Harnessing Filipino Global Power in Advancing the Philippines’ cultural, economic and political goals” layunin nitong lalong itaguyod at mas mapalakas ang koneksyon ng Filipino Diaspora sa kanilang inang bayan at lalong mapalawak at mabigyan ng importansya ang kontribusyon ng mga Filipino sa mga bansang kanilang kinaroroonan.
Subaybayan ang mga kaganapan sa 2026 Filipino Diaspora Summit sa programang Serbisyong CFO sa Radyo Pilipinas World Service ngayong Martes alas nueve hanghang alas diyes ng umaga (9:00am to 10:00am).