Inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magkakaroon ng pagbaba sa kabuuang transmission rates na sisingilin sa mga consumer ngayong June 2026.
Sa isang pahayag, sinabi ng NGCP na sa June 2026 electric bill, aabot lamang sa 56 centavo kada kilowatt-hour ang singil para sa paghahatid ng kanilang serbisyo.
Ayon sa NGCP, ang pagbaba ay bunsod ng mas mababang transmission wheeling rates at ancillary services (AS) rates.
Dagdag pa ng NGCP, bumaba ng 9.33% ang kabuuang average transmission rate noong May 2026 billing period nasa sa P1.45 (piso at apat naput limang sentimo) kada kilowatt-hour mula sa P1.60 kada kilowatt-hour noong Abril.