Humiling ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Department of Justice (DOJ) na maglabas ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa iba pang coaches ng Ateneo Blue Eagles na hindi sumipot sa kanilang subpoena.
Ito ay kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang basketball players ng Ateneo na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Ayon kay CIDG Director PMaj. Gen. Robert Morico II, wala pang batayan sa ngayon para maglabas ng Hold Departure Order dahil wala pang kasong naisasampa.
Ang paghiling ng Immigration Lookout Bulletin Order ay para masiguro na hindi makakaalis ng bansa ang mga nasabing indibiwal habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Sakali naman na hindi sumipot sa subpoena ng apat na beses ay maaari silang ma-contempt ng CIDG.
Sa ngayon, hindi naman bababa sa pito ang tinitingnan na persons of interest sa nangyaring pagkasawi nina Baterbonia at Adili. | ulat ni Diane Lear