Pinaabutan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng PhP20 million Socio-Civic Project Fund ang Glan, Sarangani, kasunod ng ginawa nitong inspeksyon sa pinsala ng lindol sa lugar.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), bahagi ito ng patuloy na pag-agapay ng pamahalaan sa mga apektadong komunidad.
Nagdala rin si Pangulong Marcos Jr. ng Starlink unit para sa bayan ng Glan upangmapalakas ang komunikasyon at mapabilis ang relief, recovery, at rehabilitation effort.
Kasabay nito ay namahagi ang DSWD ng PhP5,000 financial assistance sa higit 450 benepisyaryo sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.
Sinaksihan rin ng Pangulo ang pamamahagi ng family food packs at mainit na pagkain sa pamamagitan ng DSWD mobile kitchen.
Gayundin ang distribusyon ng 350 ChariTimba mula sa PCSO.
Pagbisita ito sa Sarangani, ininspeksyon din ni Pangulong Marcos Jr. ang Sarangani Provincial Hospital, Sapu Bridge at Malapatan National High School. | ulat ni Diane Lear