Photo courtesy of DSWD MIMAROPA
Ide-deploy ng DSWD Field Office MIMAROPA ang 10 miyembro ng Quick Response Team (QRT) nito, upang tumulong sa pagtugon sa mga komunidad na naapektuhan ng malakas na lindol sa Region 12.
Ayon sa pabatid ng DSWD MIMAROPA, bago ang deployment, nagsagawa ang tanggapan ng briefing at coordination meeting para sa mga personnel na itatalaga sa apektadong rehiyon.
Tinalakay sa pagpupulong ang deployment arrangements, operational protocols, at mga tungkuling gagampanan ng QRT upang matiyak ang maayos na koordinasyon at suporta sa disaster response operations.

Ayon kay Regional Director Benchie Gonzales, mahalaga ang mabilis na pagkilos at pakikipagtulungan sa panahon ng kalamidad upang maihatid ang kinakailangang tulong sa mga apektadong pamilya.
Inihanda rin ang mga personnel para sa mga posibleng hamon na kanilang haharapin sa aktuwal na deployment.
Ang pagpapadala ng QRT ng DSWD MIMAROPA ay bahagi ng suporta ng ahensya sa mga lugar na nangangailangan ng karagdagang tulong sa panahon ng sakuna.