Sa kabila ng sunod-sunod na lindol, magpapatuloy pa rin ang Office of the Civil Defense (OCD) 11 na ipatuloy ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Davao Region bukas, Hunyo 18, 2026.
Inihayag ni OCD 11 Regional Director Ednar Dayanghirang na isasagawa ang NSED sa bayan ng Mabini, Davao de Oro kasama ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.
Iginiit ni Dayanghirang na kailangan na ituloy pa rin NSED dahil malaki ang naging ambag nito na kakaunti lang ang naging casualty sa nangyaring Magnitude 7.8 na lindol.
Ayon sa opisyal na dahil sa nasabing drill, maraming mga mag-aaral noong Hunyo 8, 2026 ang nailigtas dahil sa kanilang natutunan sa earthquake drill.