Magsisimula na ang election period sa buong Bangsamoro Automous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa susunod na buwan para sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections na gaganapin sa Setyembre 14, 2026.
Ito ang inihayag ni Commission on Elections Spokesperson Director John Rex Laudianco sa isinagawang Media Orientation on the Bangsamoro Peace Process, Bangsamoro Electoral Code, and Media Safety sa Davao City.
Ayon kay Laudianco na July 16, 2026 sisimulan ang election period kung saan mayroon ng Comelec Checkpoints na ilalagay sa mga probinsya at iba pang sakop ng BARMM.
Bukod dito, ipapatupad na rin ang malawakang election gun ban kung saan suspendido ang mga Permit to Carrry Firearms Outside Residences, at Firearms License.
Inilahad din ng tagapagsalita na maglalabas sila ng listahan ng Election Areas of Concern sa panahon ng election period base sa isinagawang pag-aaral ng security at law enforcement units.
Dagdag ni Laudianco na handa na ang tropa ng kapulisan at kasundaluhan na magbantay upang matiyak na maging mapayapa ang buong election period sa BARMM.