Positibo ang Palasyo na uusad na ang priority legislations ng Administrasyon ngayong may magaganap na special session, ngayong araw.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, walang ibang hangad si Pangulong Marcos kung hindi mapabuti ang kapakanan ng taumbayan kayat naglabas ito ng Proclamation No. 1318 para na din maaksiyunan ang mga prayoridad na panukalang batas.
Kabilang dito ang National Center for Geriatric Health, Anti-Political Dynasty Law, Presidential Merit Scholarship Program, at iba pang mga hakbang na naglalayong palakasin ang social protection at i-angat ang pamumuhay ng taumbayan.
Dagdag ni Castro, na masisimulan na din ng Commission on Appointments na aksiyunan ang pending appointments ng ilang posisyon sa gabinete, military, at foreign services.
Kaugnay nito ay binigyang diin ng Usec. Castro na hindi napapanahon ang pagkakawatak-watak ng Kongreso, lalot may mga hamon sa loob at labas ng bansa.