Kamara, nagdaos ng special session ng 20th Congress
Opisyal na pinagtibay ng House of Representatives ang unang special session ng 20th Congress, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1318, na inilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Pinangunahan ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang pagbubukas ng sesyon, kung saan pormal niyang idineklara ang pagtawag sa special session upang agarang talakayin ang mga prayoridad na batas ng administrasyon.
Sa ambush interview kay Majority Leader Sandro Marcos, lahat ng mga panukalang nakasaad sa Proklamasyon Blg. 1318 ay naaprubahan na ng Kamara bago pa man ang sine die adjournment.