Kinumpirma ng Bureau of Immigration na natanggap na nila ang immigration look out bulletin order na inisyu ng Department of Justice laban kay Ateneo Blue Eagles Coach Tab Baldwin, Christopher Quimpo, Reynaldo Jacinto Jr. Dean Castano at Sandro Soriano.
Sinabi ni Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval na nangangahulugan ito na ang mga nabanggit na pangaan ay kasama na sa database ng kagawaran para sa mahigpit na pagbabantay sa kanilang mga biyahe.
Sa ilalim ng ilbo, kailangang agad na makipag tulungan ang mga BI officer sa mga kaukulang otoridad at ahensiya kapag namataan ang mga personalidad upang makakuha ng mga mahahalagang impormasyon na maaaring maging basehan ng kaukulang aksyon.
Kinumpirma rin ni Sandoval na ang mga personalidaday walang record ng paglabas ng bansa sa kasalukuyan. | ulat ni DK Zarate