Tahasang binatikos ni House trial Spokesperon Renee Co ang panig ng depensa ni Vice President Sara Duterte, kung saan sinabing tila ginagawa nitong “katatawanan” ang mismong proseso ng pre-trial sa kinakaharap na impeachment ni VP Sara.
Ayon kay Co, nakababahala ang isinumiteng pre-trial brief ng mga abogado ng Bise Presidente dahil sa halip na magbigay-linaw ay tila pinapalabo pa nito ang mga isyu.
Anya paulit ulit at walang laman ng trial brief ng depensa.
Ipinaliwanag ng mambabatas na matapos suriin ang inihaing dokumento ng depensa, napansin nilang puno ito ng pagtanggi (sweeping reservations), generic na deskripsyon, at paulit-ulit na listahan ng mga saksi at ebidensya na una na nang natukoy at inihain ng panig ng prosecution.
Narito ang pahayag ni House trial spokesperson Renee Co. | ulat ni Melany Reyes