Dinepensahan ni House Majority Leader Sandro Marcos ang bersyon ng Kamara para sa panukalang Anti-Political Dynasty Law laban sa mga kritikong nagsasabing “watered down ” o pinahina ito.
Sa isang ambush interview sa Kamara sinabi ni Marcos na kung mas mahigpit na bersyon ang isinusulong, hindi ito makakalikom ng sapat na suporta sa Mababang Kapulungan.
Aniya, bahagi ng legislation ang pagkonsulta sa party leaders kung papano magiging “fare” ang panukala.
Kinilala naman ni Marcos ang mga kritiko ngunit may pagkakataon pa aniyang maamyendahan ang panukala sa bicameral conference committee.
Paliwanag ng mambabatas, hindi itinulak ng pamunuan ng Kamara ang kasalukuyang bersyon dahil lang sa iyon ang gusto nila, kung hindi dahil iyon lang ang limitasyon ng suporta na kayang makuha mula sa kapulungan.
Dagdag pa ni Marcos, ang layunin ng kasalukuyang bersyon ay upang masimulan at mapausad ang diskusyon sa isyu.