Inihayag ni Deputy Speaker Paolo Ortega V na inaasahan niyang ibubuhos na ng Senado ang atensyon nito sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte at sa pagpasa ng mga nakabinbing priority legislation.
Ito ay matapos na pormal na maupo ni Senate President Sherwin Gatchalian bilang taga pamuno ng Mataas na Kapulungan.
Optimistic ang house leader na ngayong humupa na ang tensyon ay magampanan ng mga senador ang kanilang konstitusyonal na tungkulin.
Ikinumpara rin ni Ortega ang analogy ng sports sa kasalukuyang takbo ng politika sa bansa upang ilarawan ang inaabangan ng publiko.
Matapos aniya ang maraming kaganapan ay sa NBA finals o impeachment trial din ang finale.
Ngayong umaga nasa Senado ang prosecution panel para sa pre-trial conference.
Tiwala naman si Ortega na magiging maayos at organisado ang takbo ng paglilitis sa Senado lalo’t may karanasan na ang institusyon sa mga nakaraang impeachment cases sa kasaysayan ng bansa.