Umabot na sa 30,300 ang kabuuang bilang ng mga dumalaw sa Himlayang Pilipino cemetery ngayong Undas.
Ito ay ayon kay Parks Manager Engr. Michael Abiog, nasa 15,000 na ang bilang ng mga pumapasok batay sa monitoring, habang marami pa ang nakapila at naghihintay na makapasok.
Sa kabila nito, nananatiling maayos ang sitwasyon sa sementeryo. Wala ring naitatalang reklamo at marami pang bakanteng parking slot.
Epektibo rin umano ang ipinatupad na one-entry, two-exit scheme upang mapabilis ang pagpasok at paglabas ng mga bisita.
Kabilang naman sa mga nakahimlay sa sementeryo ang ilang kilalang personalidad sa industriya ng pelikula, gaya nina Ishmael Bernal, Lino Brocka, Hector Tordesillas, Vandy Ramos, Eddie Fernandez at Pelita Corrales.